Last updated on March 21st, 2019 at 04:30 pm
This blog post is narrated in Tagalog as I find it more appropriate in order for other pinay moms to relate in my labor story.😊 I hope that you’ll be inspired or somewhat get a tip or two after reading this.
Due date: October 13, 2016.
Baby came out 6 days early at
39 weeks and 1 day
Oct 5 (wed) – Check up kay Endo for my GDM clearance na no need for insulin kasi kaya naman ng diet. Happy ako dito kasi ayoko talaga mag insulin. Monitoring pa lang my sugar everyday after meals hassle na nga. Anyway, really happy na hindi super strict si endo.
Oct 6 (thurs) – I’m exactly at 39 weeks. Check up with OB was cancelled kasi may emergency CS sya so hindi nya ako na IE, back nung 38 weeks na IE ko wala no cm, mataas pa si baby pero I started with my spotting na, then after 4 days came the mucuos plug na super small lang pero feeling ko yun yun kasi jelly like sya.
Oct 7 (fri) – 12am start na ng contractions, wave pa lang sya sa harap then sumunod na paikot. I was timing the intervals until at 6am 5 minutes apart na sya. Niyaya ko na si husband to go the hospital along with our bags and admitting orders.
Ang bilin ni OB pag may red bright bleeding or water yun lumabas diretso kay ER pero kung contractions na 5 minutes apart kay admitting section lang. TIP na super helpful: If you have decided on a hospital where you’ll give birth mag fill up na kayo ng admitting forms days before your due date tapos itatabi na lang nila para pagdating nyo dun with contractions and all mas okay at mabilis ang admission.
Sa labor room, nag tracking sila for 30 minutes to monitor yung contractions and fetal heart rate so I have to stay still even during contractions medyo uncomfortable to. Ang kainis na part dito yung nurse na nag tracking ay bago pa lang so nung nakita ng senior yun chart nya pinaulit sya, so 30 minutes na nanaman yun 😑
After 2 trackings at 8am dumating yung resident OB and did an IE. 4 cm na, 80% effaced. Tinanong kung gusto ko daw ba ng sedative thru IV para mawala yung pain and I said yes. Masakit ang insertion nito sa veins, mahapdi. Feeling ko eto yung mga iniinject sa mga nagwawala sa TV kasi hindi pa ko tapos magsabi ng “ang sakit, sakit, sakit…” feeling ko nagfafade na yung malay ko. Ending tulog.
I woke up at 11am pagdating ni OB, IE ulit tinanong ko si nurse kung ilang cm na ko hindi daw nya alam ask ko na lang si OB, when I asked my OB all she said was we’ll wait na lang for the Anes since we discussed in my birth plan to have NSD with epidural.
Pagdating ni Anes I was asked to do the fetal position and tried to inject na kaya lang hindi daw perfect yun form ko kaya hindi ma-inject ng tama. So sabi sa delivery room na lang ilalagay. Sa DR, Prep na… I was humming with the song na nakaplay and Anes asked me If I was feeling any pain or contractions kasi mukang chill lang daw ako. Sabi ko wala, kasi miraculously wala talaga to think that I have a very low tolerance sa pain. Sa pag IV pa lang naku masuka suka na ko dati pag pinapasok or maybe what happened was I was expecting extreme, body splitting pain kasi yun ang nababasa ko at sinasabi ng mga tao when asked how their labor was.
But what I can prove was super effective kausapin si baby while in the womb because as early as I learned na they can hear you inside, I kept telling him na
“Wag mo pahirapan si mommy ha, labas ka na agad ha. Mababa tolerance ni mommy sa pain.”
Anyway back to Anes’ question sabi nya “7cm ka na iha” and she seems really amazed na wala ko na fifeel so she told me no need for epidural na daw. Eto naman si OB may secret secret pa ayaw sabihin na 7cm na ko baka daw bigla ako makaramdam ng pain “psychological achuchu daw”. Then comes 9cm pinutok na si water bag yun masakit na!
At 12nn start na ng pushing. Eto na yung mahirap kasi hindi ako marunong. Ang ginagawa ko daw is push, push, push then bawi. Kaya ang scenario parang may crowd na nanonood ng basketball na nakashoot sana kaya lang dumaplis. They’re all like “cge ayan na ayan na… ayyyy”. 2 big male nurses na nakadagan sa tyan ko to help the baby descend.
Ang hirap kasi push ng 1 to 10, hindi pa abot sa 10 kinakapos na ko ng hinga kaya napapabawi ako which led to baby’s head na medyo nahaba which is normal daw for NSD babies dahil nga sa pushing. Dito ko na-appreciate na sana nag exercise ako to strengthen my cardio…
Anyway, husband came in mga 30 minutes for moral support na hindi ko masyado feel hahaha at mukang kabado rin si mister. Sabi nya after naawa daw sya saken 😑…
Thankful ako kay OB kasi she really motivated me na normal delivery kahit umaayaw na ko sa hirap. Sabi nya “na-cut na kita (hindi ko naramdaman) hindi ka na pwede mag CS unless gusto mo dobleng tahi”.
Come 1:45pm sa wakas baby out! Nilapag sya sa tyan ko then kinapa ko sya kung kumpleto hehe. Head, shoulder, tyan, legs, arms, pati all fingers kung tig-5 then super glimpse lang then nawalan na ko malay. Pag gising ko recovery room.
We stayed in the hospital for 3 days kasi need mag NICU ni baby dahil sa antibiotics since nakakain sya ng poop. Actually dapat 7 days pero pedia decided na its okay to have a home service nurse na lang na magshot sa kanya ng remaining days.
Pwede na ko umuwi kinabukasan pero I opted na sabay kami umuwi. The NICU calls me every 3 hours to breastfeed, pero when I got home nalaman ko na wala pa pala ko masyado milk. It took me 4 days postpartum to see un actual leak ng milk ko and so far so good, more malunggay pa.
Still in my postpartum days…